Ngayong araw ay dumalaw ako sa ating mahal na Gobernador Hermilando Mandanas upang ibahagi ang aking mga adhikain at pangarap para sa Lalawigan ng Batangas.
Gayundin, binigyan ko ng kaloob na aking aklat na Journey of a Dreamer, isang aklat na mga tulang sinulat ko mula noong 2018 hanggang sa kasalukuyan na naghahayag ng aking pananaw para sa aking mga Kababayang Batangueno at mga Pilipino at para sa lahat ng tao sa buong mundo.