Ako po ay nagagalak at nakapagbigay ako ng mga kaisipan ukol sa kahalagahan ng sining sa kaularan ng Batangas.
Unang-una, ang sining ay nakakahimok sa mga mamamayan na dumalo sa mga ganitong pagtitipon. Dahil sa aktibidad na gaya nito, ang mga tao ay may oportunidad na makilahok sa pagpapalaganap ng sining at pakikipag-ugnayan sa bawat (social cohesion). Salamat sa pagpupunyagi nina G. Gilbert Rosales at G. Eric Punzalan ng Studio Angeli upang maisakatuparan ang gawaing ito na kanilang tinawag na “My Favorite Things”.
Pangalawa, ang sining o ang expresyon ng sining ay nakapagbubukas ng makahulugang diskusyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng kalagayang sosyal at ekonomikal ng iba-ibang sektor ng ating lipunan halimbawa nga ay ang mga nasalanta ng bagyong Kristine. Maaaring makapukaw ng atensyon ng mga lider ng pamahalaan, pribadong sektor, ang simbahan, ang akadim at civic society tungkol sa mga kritikal na usapin. Halimbawa, maaaring gawing subject ng mga artists ang kalagayan ng mga biktima ng bagyo upang itaas ang kamalayan at interes ng mga tao sa mga ganitong bagay.
Pangatlo, ang sining ay pinagmumulan din ng kabuhayan para sa mga bago at dalubhasang artists. Gayundin naman, ang mga deboto sa pangunulekta ng gawang sining ay masisiyahan sapagkat ang gawang sining ay imbakan ng halaga na sa pagdaan ng panahon ay tumataas ang balor.