Noong 28 November 2024, nakabisita po ako sa Looc Elementary School sa Balete, Batangas kung saan pangsamantalang nakatira ang mga biktima ng bagyong Kristine. Sila naman ay may kasiyahan at may siglang tinanggap ang aming pagdating.
Sila ay nag-a-adjust sa kanilang bagong kalagyan at nalaman ko mula sa kanilang coordinator na kailangan nila ng water tanks upang makapag-ipon ng tubig dahil ito ay rasyon lamang. Kaya ako ay nangako na babalik upang magdala ng drums.
Natuwa ang karamihan sa prutas na passion fruit. Mayroon ding kamote, kalabasa at kung anu-ano pa na masusustansyang pagkain. Ang sabi ko ay maghanda ang school ng lugar kung saan pwedeng magtanim ng halamang gulayan upang doon sila makakuha ng gulay sa araw-araw. Aking pinanabikan ang mulang pagdalaw sa kanila.